"Buwan ng Wika": What value can Filipino's bring on Hive?

View this thread on: d.buzz | hive.blog | peakd.com | ecency.com
·@chikakiku·
0.000 HBD
"Buwan ng Wika": What value can Filipino's bring on Hive?
Isang natatanging plataporma ang Hive na kung saan ang mga manunulat ay may kalayaang ipahayag ang anumang tumatakbo sa kanilang isipan. Sa kabila ng kalayaang ibinigay, ito ay may kaakibat na tungkuling ang isang manunulat ay kailangang maging aktibo at sundin ang mga patakaran na nakapaskil sa bawat komunidad na sinalihan.
![](https://images.ecency.com/DQmerKD1MJpnTgTmhhpBdddgrjKEfANnBu5c8ms1yxdSDjm/1_1_.png)


 Tunay ngang tinangkilik ang platapormang ito sapagkat karamihan sa mga manunulat ay mga pinoy na kilalang magaling sa kahit anong larangan, saksi ako sa mga naging matagumpay sa pagsusulat at ang Hive ang naging daan upang maabot ang kanilang minimithi.
![](https://images.ecency.com/DQmXXNA8ub8UX5BUurrYT5VNZa24eZptjNBbxPvpZZiB7Vq/salama.png)


Gaya ng nakikita sa aking pamagat, ang nangangasiwa ng komunidad na Hive PH ay naglunsad ng isang patimpalak na kung saan ang mga sasali ay may isang taong na sasagutin, at ang tanong na iyon ay aking isasalin sa tagalog na, Anong katangian ng mga Pilipino ang maiiambag o madadala sa Hive?. 

Kilala ang mga Pilipino na masisipag na kahit anong oportunidad ang dumating ay agad na susubukan kung ang kaakibat nito ay kikita ng pera. Masasabi kong isa ako sa mga iyon sapagkat ako ay kung ano ano ang sinusubukan na pwedeng mapagkikitaan. 

Saksi rin naman ako sa ibang manunulat rito na talagang masisipag pagdating sa pagsusulat sapagkat meron silang mga pagkakakilanlan sa kahit anong platapormang pagsusulat tulad ng Read.cash, PublishOx, Blurt, Hive, at iba pa. Tunay ngang masisipag ang mga pinoy na isa sa mga naiambag o naibigay sa platapormang ito.

Ang susunod ay pagiging aktibo ng mga pinoy, kilala ang mga pinoy na aktibo sa kahit anong bagay, lalo na sa platapormang ito, isa sa mga naiambag ng mga Pinoy rito ay laging aktibo sa pagsusulat, pagbabasa at pakikisalamuha sa iba kaya hindi nakakapagtakang ang mga Pilipino ay nagkakaroon ng mga kaibigan sa iba't ibang sulok ng mundo.

Isa din sa mga naibigay ng mga Pinoy sa platapormang ito ay ang pagiging mapagbigay, ang mga Pilipino sa platapormang ito ay sinusuportahan ang sino mang bagong sumasali sa pamamagitan ng pagbibigay ng magagandang salita at mga dapat gawin. Isa ako sa mga bagong miyembro at nasaksihan ko kung gaano ka suportado ng mga Pinoy at mga banyaga ang mga baguhan sapagkat sila ay nagbibigay ng mga insentibo upang maudyukan ang mga bagong manunulat na magpatuloy.

At ang huli ay ang pagiging tapat ng mga pinoy sa pagawa ng kanilang mga artikulo, kung sakali man na ang ang lathalain ay impormatibo, ang mga pinoy ay naglalagay ng pinagmulan ng impormasyon. Ang mga Pilipino rin ay umiiwas sa pagkopya ng gawa ng iba sapagkat ito ay nakasaad sa batas na may kaakibat na pananagutan.

Ang pagiging tapat ng mga Pinoy ay isa sa mga naibigay sa platapormang ito na ginagaya ng ibang manunulat. Ang mga katangiang ito ang nagpatibay ng krediblidad ng mga Pilipino sa Hive, marami sa mga Pinoy na manunulat ang naging sikat rito at ibinabalik ang mga biyaya na natatanggap nila.

Sa pangwakas, tunay ngang maraming naibigay ang mga Pilipino sa Hive, hindi matutumbasan ng kahit anong bagay ang katangian na meron ang bawat pinoy, kaya ako ay lubos na nasisiyahan para sa linggong ito sapagkat naisip na magsagawa ng patimpalak na tulad na ito upang maibahagi ng mga Pilipinong manunulat ang kanilang saloobin. Maligayang Buwan ng Wika sa ating lahat at sana isapuso natin ang ating pinagmulan.

👍 , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , ,