Bagong simula.

View this thread on: d.buzz | hive.blog | peakd.com | ecency.com
·@cloudspyder·
0.000 HBD
Bagong simula.
![received_1894163677274627.jpeg](https://ipfs.busy.org/ipfs/Qmb8jEu3DPwNN7tHgj7CCz8zQKsztorBe8F8mfJsYUu5Lt)

Sa loob ng maraming taon, buhay ko'y umikot sa trabaho.
Pag-mulat ng mata tuwing umaga'y trabaho ang unang nasa isip.
Nagtatanong sa sarili, "late na ba ako" madali "traffic pa".

Tanghali na, hapon na!
Uwian na naman, traffic!
Dalawa hanggang tatlong oras ang sa kalsada'y gugugulin.

Mabahong usok at mainit na hangin ang syang dadampi sa pisngi mong pawis.
Pag ika'y minalas tatlong oras kang nakatayo.
Nasa pagbaba mo'y sasalubong, anak mong humihikbi sa tagal ng pag aantay ng iyong pag dating.

Oh mahal kong Pilipinas, daan mo'y napakasikip.
Pampubliko mong sasakyan nama'y bulok na.
Kalsada'y moy naging paradahan sa mga panahong tuyo at ilog naman sa tag-ulan.

Oh, ako'y patawarin ng kompanya kong pinapasukan.
Di ko na kayang tiisin pasakit sa pag pasok at pag uwi.
Anak ko'y umiiyak sa tuwing ako'y papasok.
Sa gabi'y daratnang tulog at pagod sa pag iyak.

Ako'y magsisimula ng bagong buhay.
Ang paglisan ko sa inyo ay hindi ganon kadali.
Ngunit kailangang baguhin ang takbo ng aking buhay.
Patawad ngunit ako'y lilisan na.