Ang Wastong Paggamit ng mga Upvote Bots

View this thread on: d.buzz | hive.blog | peakd.com | ecency.com
·@digitaldreamer·
0.000 HBD
Ang Wastong Paggamit ng mga Upvote Bots
<img src="https://cdn.pixabay.com/photo/2018/02/24/17/29/robot-3178684_960_720.jpg">

Kung mayroong kang perang pwedeng gamiting kapital, napakagandang gumamit ng mga upvote bots para paramihin ang upvotes sa mga blog posts mo. Ang problema, maraming hindi marunong gumamit ng mga bots na ito. 

Ang totoo, mahirap kasi maintindihan ang Sistema ng steemit.com sa pagbibigay ng reward. Kapag baguhan ka lang, maaaring akalain mo na malaki ang kinikita mo kahit na halos wala ka na palang kinita o kung minsan pa nga, lugi ka pa. 

Kaya importante na matutuhan mo muna ang sistema ng steemit bago mo subukan ang mamuhunan ng malaki. Siyempre pa, iba pa rin yung aktuwal na masubukan mo. Mas madali mo itong matututuhan. Pero kapag nag-uumpisa ka pa lamang, huwag munang mag-invest ng malaki. Praktis muna. 

**Kung Bakit Nakakalito ang Mga Numerong Nakikita Mo sa Mga Posts**

Ang nakikitang mong mga number na may dollar sign sa bawat post ay hindi ang aktuwal na halaga sa dolyar na kinita ng article mo. Nakakalito talaga. Pero ipapaliwanag ko sayo kung paano nag-wo-work ang reward system. 

Game? 

Kuha tayo ng halimbawa. Sabihin natin na nag-invest ka ng 100 SBD sa mga upvote bots. Kung madoble ang amount na ito, makikita mo ay $200 sa post mo. Wow. Anlaki! Nadoble ang pera ko! 

Sandali lang. Hindi yan lahat sayo mapupunta. Yung 75% lang ang sayo na author. Yung natitirang 25% ay sa mga nagcomment at nag upvote ng post mo. Curation ang tawag doon.

Kaya, doon sa 200 na yun, 150 lang ang sa iyo talaga. 

Pero hindi pa tapos… 

Yung 50% kasi, SBD ang pay-out. Kaso yung isa pang 50% steem power ang pay-out. Kaya sa example natin, yung 50% ng 150 ay 75. Kaya may 75 SBD ka mula doon sa na invest mo na 100 SBD initially. 

KASO, yung kalahati na 50% na steem power, hindi 75 ang mukukuha mo. Kundi i-divide mo yun sa actual na halaga ng US dollar laban sa SBD. 

Halimbawa, ngayon ay $3 = 1 SBD. So yung halaga ng steem power na makukuha mo ay 75/3 or 25 steem power lang. 

Kapag pinagsama mo yung 75 na SBD at 25 na steem power, bawi ka lang! Ang kita mo lang ay kung may nag-upvote doon sa post mo dahil napansin ito ng maraming tao. Pero, hindi sapat iyon para sa effort mo. 

Kung minsan pa, dahil mali ang timing mo o hindi ka marunong gumamit ng upvote bots, PWEDE KANG MALUGI. Kaya careful lang. 

**PAANO TALAGANG KIKITA SA PAGGAMIT NG UPVOTE BOTS**

Kung mga upvote bots sa steembottracker ang gagamitin mo, malaki ang chance na malugi ka. Lalo na kung bagito ka palang. 

Ano kaya ang mabuting gawin kung ganoon? Magmakaawa sa mga diyos ng steemit? Mag spam sa mga comment? Kung may puhunan ka naman, hindi mo kailangang gawin ang mga iyan. 

Ang irerekomenda ko ay gamitin ang upvote service ng minnowbooster. Madali lang ito gamitin kahit sa mga baguhan. Pero may isang bagay lang na dapat tandaan para tiyak na may kita ka. Huwag mong gagamitin ang minnowbooster kung ang voting power nito ay mas mababa sa 70%. 

Yun lang talaga ang sikreto. Kapag 70% pataas ang voting power ng minnowbooster, halos garantisado na may kita ka. At mas maganda ang kita dito kaysa magpautang sa 5/6. 

Sana may natutuhan ka sa post na ito, kung may tanong ka, post mo lang sa comment. Sasagutin ko sa buo kong makakaya.
👍 , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , ,