Ang aking Repleksyon sa Topic na: Aral para sa Mag-asawa Part 4 (Ang Lalake ang Pangula ng Pamilya at ng kanyang Asawa) ๐๐๐
hive-182074ยท@godlovermel25ยท
0.000 HBDAng aking Repleksyon sa Topic na: Aral para sa Mag-asawa Part 4 (Ang Lalake ang Pangula ng Pamilya at ng kanyang Asawa) ๐๐๐
### Magandang Araw sa ating lahat at salamat sa Dios! ๐ https://youtu.be/YAUl4Ogb7vs
Unang una sa lahat, labis ang aking pasasalamat sa Dios dahil sa mga aral na aking natutunan mula sa mga Salita ng Dios na kung bilang wala pa ako ngayon sa estato na meron nang asawa, ay malaking tulong ito dahil nga sa tayong lahat naman ay papunta sa ganitong estado lalong lalo na at para sa akin ngayon ay papunta na ako sa ganyan, ngayon na nakita ko at nalaman ang mga aral ng Dios sa pag-aasawa, masasabi ko na hindi talaga madali dahil isa itong panghabang buhay na desisyon at kapag papasukin natin ito, ay wala nang atrasan pa, kaya marami akong natutunan na magagamit ko talaga sa aking mga desisyon sa buhay. [Source](https://youtu.be/YAUl4Ogb7vs) Nandito na tayo sa huling bahagi sa topic na, ***Ano ang Magandang aral para sa mag-asawa,*** na mag mula pa sa unang bahagi ay marami na talaga akong natutunan. Isa sa hindi ko malilimotan ay ang natutunan ko na wala nang ibang magandang aral para sa mag-asa, ang aral mula sa Dios sa pamamagitan ng ating Panginoong Hesu-Kristo na nagmula sa langit. Naibahagi ang mga iba't ibang mga bersekulo na nagtuturo kung gaano kaganda ang mga Salita ng Dios para sa mag-asawa, na ang mag-asawa ay isang katawan na o isang laman kaya walang kahit na ano o sino ang makakapag hiwalay dito dahil din sa itinali na silang dalawa sa kautosan ng Dios.

Efeso 5:23 "Sapagka't ang lalake ay pangulo ng kaniyang asawa, gaya naman ni Cristo na pangulo ng iglesia, na siya rin ang tagapagligtas ng katawan.โ

Efeso 5:24 "Kung paanong nasasakop ni Cristo ang iglesya, gayundin naman, ang mga babae ay dapat pasakop nang lubusan sa kanilang asawa.โ

| |-| Ngayon naman ating pag-aralan ang bersekulong ito na nagpapaliwag na ang lalake ay ang pangulo ng pamilya o sa asawa, tulad na lamang na ang ating Panginoong Hesu-Kristo ang Pangulo ng Iglesia. Malalaman natin dito ang aral sa mag-asawa na kailangang ang lalake ang Pangulo ng pamilya lalong lalo na sa kanyang asawa, hindi pweding ang maging pangulo ay ang asawa. Sa lahat ng mga desisyon sa pamilya o kahit na anong usapin kailangang ang lalake ang masusunod at babae ay susunod lamang sa kanyang asawa, kailangang tanggapin ng babae na meron na siyang pangulo o kailangang magpasakop ito sa kanyanga asawa. Labag sa kautosan ng Dios na lalapastanganin ng babae o ang babae ang masusunod sa pamilya, ang lalake ang merong mataas na karapatan sa pamilya.

Efeso 5:25 "Mga lalaki, mahalin ninyo ang inyong asawa na gaya ng pagmamahal ni Cristo sa iglesya. Inihandog niya ang kanyang buhay para sa iglesya.โ

Efeso 5:28 "Gayundin naman, dapat mahalin ng mga lalaki ang kanilang asawa tulad ng sarili nilang katawan. Ang lalaking nagmamahal sa kanyang asawa ay nagmamahal sa kanyang sarili.โ

| |-| Isang malaking aral dito para naman sa mga lalake ay dapat na maging tapat sa kanyang asawa, kailangang mahalin niya ang kanyang asawa sa tulad ng pagmamahal sa sariling katawan. Ibig sabihin nito ay aalagaan ang asawa, ibigay ang nararapat na kailangan sa pamilya lalong lalo na sa kanyang asawa, isang malaking kasalanan sa Dios ang pangangalunya at pakikiapid, dapat ipadama sa iyong asawa ang tunay na pagmamahal. Dahil nga sa isang katawan na kayo, kailangan kung ano ang mas magandang gawin sa sarili mo ay gagawin mo rin sa asawa mo. Ito na nga ang huling bahagi ng topic tungkol sa mag-asawa o pag-aasawa at sasabihin ko na salamat ng marami sa Dios dahil marami akong natutunan at na realize na dapat kung pagisipan ng mabuti, kailangan ng panalangin at mataimtim na pananalig sa Dios sa bawat sitwasyon o desisyon sa aking buhay dahil alam kong hindi ako pababayaan ng Dio. ## To God be all the Glory! ๐๐โ๏ธ ***Your Friend*** *@godlovermel25* ---   *Thanks to @kennyroy for the animated GIF.*

๐ godlovermel25, jim888, shalom0809, mcgi.cares, fatimajunio, angelowkhelow, anytime-soon, gleam-of-light, hiro-hive, give-cat-food, odsam2, fatherfaith, opeyemioguns, ubani, eldaniel0131, sucal, argeh, potpourry, joven777, princess001, tildy, zenai, emmy3, opopa, cyber-tech, eliseo.soriano, ekc88, kingly0, blackdovy, emmanuel222, gone-hive, crisgojar, eastmael, norat23, citimillz, simplymeekarts, sparker005, drbenzz, servant7, tbliz, charlotte01, pana1, joseystarr, jude9, elizahfhaye, hivebuzz, cwow2, lizanomadsoul, manncpt, jnmarteau, gaottantacinque, cribbio, gasaeightyfive, mooontivated, godslove123,