Kahirapan
pilipinas·@iphone7·
0.000 HBDKahirapan
<center></center> <center>Isang kahig isang tuka ang sambit ng maralita Pagkain sa araw-araw ang iniisip ng ama’t ina Palahaw ng mga paslit na ang tiyan ay gutom na Tipikal na pamilya sa sustansya ay salat nga.</center> <center>Ito pa ang isa sa aking pinagtataka Kay hirap na nga ng buhay ang anak ay lima pa Hindi ba nila naisip ang panggatas ng mga bata Kaya naman lumalaking sakitin at patpatin pa nga</center> <center>Imbis na mag-aral, sa kalsada ay mga nakakura Nanlilimos at nanghihingi ng awa sa iba Naghihintay na may maglaglag ng munting barya Upang may ilaman sa kumakalam na sikmura</center> <center>Huwag nating idahilan ang kahirapan upang hadlangan ka Hindi natin kasalanan kung pinanganak na mahirap pa sa daga Ngunit kung sa pagtanda ay walang tayong ginawa Karapat-dapat nga na tayo’y kaawaan ng madla.</center>  