Sa Kabila
filipino-poetry·@iwrite·
0.000 HBDSa Kabila
Gayong nasa kabila ka lang, hindi na kita nakikita kung minsan, madalas ay hindi ko namamalayang umalis ka na sa oras na iyon, sadya yatang mailap ang tadhana, ikinukubli ko na lang ang pangungulila kong ito, lalo na't kapag naririnig ko ang pagaspas mo. Sinasadya kong mas maaga ako kung saan ka madalas naroon, pero ganun pa rin, hindi na kita nakikita, nagtataka akong bakit napapadalang na ang pagpunta mo, naisip ko tuloy na hindi mo na yata ako bibisitahin, hindi mo na rin ako ibig makita, dahil siguro, madalas ay nasa ibang ibayo ka na. Hindi ko na siguro hihintayin ang araw na iyon, para saan pang ikukubli ka lagi sa akin ng panahon, ng oras, ng mga di mabilang na pangyayaring para tayong nagtataguan o ikaw ang gumaganap na nagtatago ka na sa akin.  [SOURCE](https://cdn.pixabay.com/photo/2017/09/15/20/55/beyond-2753554_960_720.jpg) Marahil sa kabila, tahimik ka na doon, wala nang titingin sa iyo, sa pagpapakita ng iyong maganda at makukulay na pangarap, hindi ko na rin maririnig ang mga huni mo na nakadudulot ng saya sa aking dibdib, pinupuno mo sana ng masasayang araw tuwing narito ka, ngunit ngayon, nagbabaha ako sa luha ng iyong pagkawala. 