Dear @jemzem: Ipaglalaban Ko Pa Ba? (Steemitserye 2nd Edition - Part 1)u
steemitserye·@jemzem·
0.000 HBDDear @jemzem: Ipaglalaban Ko Pa Ba? (Steemitserye 2nd Edition - Part 1)u
Dear @jemzem, Ako nga pala si Sarah, 24 taong gulang at nakatira sa Cebu. Sinubaybayan ko ang kwento ni Aileen at talaga nga namang naantig ang aking puso sa mga kaganapan ng kanyang buhay. Nais ko rin sanang humingi ng payo para matulungan ako gaya ng ginawa nina @sunnylife, @jennybeans, @akoaypilipina, @shikika, @lunamystica kay Aileen. Sumulat ako sa iyo dahil inirekomenda ka nila sa akin. Hayaan mong isalaysay ko sa sulat na ito ang mga naganap sa aking buhay. Dalawang taon na ang lumipas nang una kong makilala ang lalaking nagpatibok sa pihikan kong puso at ang nagpainit sa malamig kong damdamin. Dati akong nagtatrabaho sa isang kompanyang tanyag sa fashion industry sapagkat kilalang-kilala na ang mga produktong kanilang gawa gaya na lamang ng mga iba’t ibang de kalidad na kasuotan, sapatos at bags. Ako’y naging sekretarya ng bise-presidente na siya ring anak ng may-ari ng kompanya.  Aaminin kong hindi naging madali ang naging buhay ko bilang sekretarya ng boss kong si Gerald. Hindi lamang dahil sobrang busy ako sa paggawa ng mga ipinapagawa niya kung hindi ay dahil mahirap siyang ispelingin minsan dahil madalas na wala siya sa mood. Siya rin ang tipo ng tao na nakakatakot lapitan. Hindi ko alam, pero may aura kasi siyang kakaiba. Bagama’t hindi niya pa ako napagalitan ng tagos sa buto dahil na rin siguro ginagawa ko ang trabaho ko nang maayos sa abot ng aking makakaya, hindi ko mawari kung bakit kakaiba ang kutob ko sa kanya. Siguro’y dahil iyon sa pagiging misteryoso niya, kumbaga ay masasabi kong malihim siyang tao. Lumipas pa ang panahon, pero hindi nagbago ang impresyon ko sa kanya. Sa loob ng isang taon kong pagiging sekretarya ni Gerald ay ni minsan ay hindi pa kami nag-uusap sa personal naming buhay na hindi ko rin naman inaasahan kasi isa nga lang naman akong sekretarya niya. Pero makalipas ang isang taon, hindi ko inaasahan na magsisimula na palang magbago ang ikot ng kapalaran naming dalawa. “S-sir Gerald?” iyon na lamang ang nasambit ko nang isang beses ay makita ko siya sa kanyang opisina na umiiyak habang nakasubsob ang kanyang mukha sa dalawa niyang kamay.  Inangat niya ang kanyang mukha at tinitigan ako nang masama. “Don’t you know how to knock?” “Ah—eh—I’m sorry, sir…” Sa pagkakataranta ay napatalikod na lamang ako’t aalis na sana sa opisina niya nang muli siyang magsalita. “Am I that hard to love? Bakit palagi na lang akong sinasaktan ng mga taong minamahal ko nang totoo?” Muling umagos ang luha sa kanyang mga mata at bigla na lang akong nakaramdam ng kirot sa puso dahil doon. Napatitig ako sa kanya at iyon yata ang unang beses na natitigan ko siya nang matagal. Hindi ko maipaliwanag pero tila tinutunaw ang puso ko ng mga mapupungay niyang mata. Sa pag-eeksimina sa mukha niya’y napagtanto kong totoo nga nga mga naririnig ko mula sa malalandi kong kasamahan sa kompanya. Tunay na makalaglag ng kahit anong pwedeng malaglag ang taglay niyang kagwapohan. “Are you deaf?” Bigla akong bumalik sa katinuan nang napagtanto kong para akong engot na nakatitig sa kanya. Kulang na lang e tumulo na rin ang laway ko habang pinagmamasdan siya. “Ah—eh…” Gusto kong batukan ang sarili ko kasi nakalimutan ko na yatang magsalita. Para tuloy akong tanga sa harap ng boss ko. “Never mind. Can you just join me here? I badly need someone to talk to.” “Ah—eh—Pardon, sir?” S’yempre joke lang na sinabi ko ‘yan. Masyado na akong tanga para gumanyan. Tumango lang naman ako’t nakinig na sa mga pinagsasabi niya. Doon ko nalaman na brokenhearted pala siya dahil niloko siya ng kasintahan niya. At iyon na nga ang naging simula ng maganda naming relasyon, hindi lang bilang magkatrabaho, kundi bilang magkaibigan din. Hindi man kapani-paniwala, pero naging mas malapit pa kami sa isa’t isa hanggang sa… “Uy, bes! Kanino galing ‘yang bulaklak na dala mo? Mukhang may love life na tayo, a? Share mo naman sa akin, dali! Nang may mai-chismis na ako sa mga kasamahan ko. Nagkakaubusan na kasi ng chismis sa opisina, e.” Pauwi na ako nang makasalubong ko si Minchin, ang number one chismosa sa kompanya. At kung maka-bes sa akin, akala mo naman talaga may friendship nga between us. “Wala, napanalunan ko lang ‘to sa raffle kanina.” Nagkaubusan na rin ako ng alibi kasi lahat na lang ng nakakasalubong ko ay pareho lang ng tanong. “Weh? O baka naman kay Sir Gerald galing ‘yan? Matagal na kitang minamatyagan, Sarah. At sasabihin ko sa ‘yo…huwag na huwag mong aagawin sa akin ang bebe ko!” Tinalikuran na ako ng bruha pagkatapos akong pagbantaan. Pero malas niya lang kasi naunahan ko na siya! Hindi ko na naman mapigilang kiligin sa tuwing naaalala ang nagyari sa amin kanina sa loob ng opisina. >“I think I’m in love with you, Sarah. Please be my girlfriend.” Lumuhod siya’t binigyan ako ng bulaklak.  Para akong nasa alapaap nang mga sandaling iyon at hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko. Pero kahit ganoon ay buti na lang at hindi ako nawala sa katinuan para magpakipot pa. “Sino ba naman ako para tanggihan ang isang guwapong lalaki na tulad mo, sir?” Tatango na sana ako para sagutin siya nang may bigla akong napagtanto. “Kaya lang…natatakot ako kung anong sasabihin nila sa atin kapag nalaman nilang may relasyon tayo. Baka siraan nila tayo lalo pa’t sekretarya mo lang ako,” malungkot kong wika. “Don’t worry, alam kong iisipin mo ‘yan kaya naman ginawan ko na ‘yan ng paraan. Magre-resign ka na bilang sekretarya ko at ikaw na ang gusto kong mamahala sa isa sa mga boutique namin.” “P-pero…” “Wala nang pero-pero, Sarah.” Ayaw ko mang tanggapin ang alok niya, pero mahal ko na rin kasi siya. Simula nang gabing nag-usap kami nang masinsinan ay nagsimula na ring nahulog ang loob ko sa kanya. Sa paglipas ng mga araw ay ninais kong makita siya lagi at naging sapat na iyon para sa akin. At ngayon ngang nagtapat siyang mahal niya ako at nais niya akong maging kasintahan, ayaw ko na ring pahirapan pa ang mga sarili namin kaya sinagot ko siya. Lumipas ang ilang buwan at naging masaya naman ang relasyon namin. Walang naging malaking problema sa amin dahil kapag may maliit kaming hindi pagkakaintindihan ay pinag-uusapan agad namin at inaayos. Nasa maayos ang lahat nang may bigla akong nasaksihang nagwasak sa aking puso. Papunta ako sa condo ni Gerald upang bisitahin siya dahil magkikita sana kami pero bigla siyang nag-text na masama ang pakiramdam niya’t kung pwede ay magpapahinga na lang muna siya. Hindi ko na sinabi sa kanya na pupuntahan ko siya dahil labas-pasok na rin naman ako sa condo niya at sa katunayan ay binigyan niya na rin ako ng susi para doon. Nasa tapat na ako ng pinto nang biglang kumabog ang aking dibdib. Ewan ko ba, pero bigla na lang akong kinutuban nang masama. Pero hindi na ako nagpatumpik-tumpik pa’t agad kong pinihit ang door knob. Kunting siwang pa lang ng pinto ang nagawa ko nang bigla akong nabato sa aking kinatatayuan dahil sa aking narinig. “Please! Get out! Hindi na mangyayari ang gusto mo! Ilang beses na kitang pinatawad sa panloloko mo sa akin at tama na ‘yon! May iba na akong mahal ngayon at sana sapat na ‘yan para lubayan mo na ako!” boses ni Gerard na parang umiiyak. Awtomatiko namang kumilos ang mga paa ko papunta sa loob ng kwarto. Pero muli akong nabato nang makitang may kahalikan si Gerald. Nalaglag din ang mga dala kong prutas dahil sa aking nasaksihan. “R-Ronnie?”  Nagulat ako nang makitang kahalikan ni Gerald ang matalik niyang kaibigang si Ronnie. At doon ko napag-alaman na hindi talaga sila matalik na kaibigan na siyang sinabi nila noon. Dahil si Ronnie pala ang dating kasintahan ni Gerald. Kaya ngayon ay labis akong nalilito kung ano ang gagawin ko. Ipaglalaban ko pa ba ang pagmamahal ko kay Gerald gayong nalaman ko kung anong dati niyang pagkatao? Totoo kaya ang narinig kong ako na talaga ang mahal ni Gerald? At sapat na ba iyon para maniwala akong siya talaga ang forever ko? O iwanan ko na lang siya’t maghanap ng totoong lalaking hindi lang lalaki ngayon, kundi pati noon? Nagmamahal, Sarah *** *** O ayan na nga ang napakahabang sulat ni Sarah na naglalaman ng nangyari sa kanya, pati na rin ang kinakaharap niyang problema ngayon. Sa palagay ninyo, ano kaya ang magandang gawin ni Sarah? Kung ikaw ang nasa sitwasyon niya, ano ang gagawin mo? Tara’t ilatag na sa comment box ang inyong komento’t kuro-kuro. At para sa ikalawang parte ng kwento ni Sarah, abangan si @mallowfitt para sa malupit na kaganapang mangyayari. Pakaabangan kung ano nga bang gagawin ni Sarah. Kung tatanggapin niya ba si Gerald sa kabila ng nakaraan at katauhan nito. Si @mallowfitt na ang bahala sa part 2. Hehehehe *** Muli, maraming salamat, @sunnylife sa paanyaya na maging bahagi ako ng ikalawang edisyon ng steemit serye. Ako’y nagagalak at isinali mo ako sa kaguluhang ito. Maraming salamat din kina @jennybeans, @akoaypilipina, @shikika, at @lunamystica na nagbigay ng aliw at saya sa aming mga sumubaybay sa unang edisyon ng steemit serye. God bless and more power! *** At para sa mga hindi nakasubaybay sa unang edisyon ng Steemitserye, narito po ang sinimulang kwento nina @sunnylife, @jennybeans, @akoaypilipina, @shikika, @lunamystica: Part 1: [Dear SunnyLife - Nagmahal, Nabigo At Umaasa](https://steemit.com/pilipinas/@sunnylife/dear-sunnylife-nagmahal-nabigo-at-umaasa) Part 2: [Dear SunnyLife -Nasaktan, Bumangon At Nagmahal Muli - Part 2](https://steemit.com/pilipinas/@sunnylife/dear-sunnylife-nasaktan-bumangon-at-nagmahal-muli-part-2) Part 3: [Dear Jennybeans - #Steemitserye - Mahal ko o Mahal Ako - Part 3](https://steemit.com/pilipinas/@jennybeans/dear-jennybeans-steemitserye-mahal-ko-o-mahal-ako-part-3) Part 4: [Dear @akoaypilipina - #steemitserye Part 4 - Mahal ko...Mahal Ay Iba (Aileen's Shattered Dreams)](https://steemit.com/pilipinas/@akoaypilipina/dear-akoaypilipina-steemitserye-part-4-mahal-ko-mahal-ay-iba-aileen-s-shattered-dreams) Part 5: [Dear @shikika - #steemitserye Part 5 - Happy Ending Na Ba?](https://steemit.com/pilipinas/@shikika/dear-shikika-steemitserye-part-5-happy-ending-na-ba-fa22c6e56bae1) Part 6: [Dear @lunamystica- #steemitserye Part 6: Mahal Ko, Mahal Na Ba Akong Muli?](https://steemit.com/pilipinas/@lunamystica/dear-lunamystica-steemitserye-part-6-mahal-ko-mahal-na-ba-akong-muli) Enjoy reading! :D *** ###### <center>pinagkunan ng larawan: [1](https://unsplash.com/photos/YAvkv7uBy4Y), [2](https://unsplash.com/photos/T5lmpSYxnSU), [3](https://pixabay.com/en/man-model-flowers-1246028/), [4](https://www.shutterstock.com/search?models=24153940,24155113&context_photo=793576390)</center>  <center>Maging bahagi sa pagpapalaganap ng wikang Filipino. Ikaw ba ay manunulat ng tula o maikling kuwento? O kaya ay nais malinang ang talento sa pagsusulat? Sumali sa mga patimpalak. I-follow ang @tagalogtrail para sa mga akdang Filipino at sumali rin sa aming talakayan sa discord: [Tropa ni Toto](https://discord.gg/6dUJH2Z)</center>
👍 ubg, dgi, jemzem, sensation, shikika, steemph.cebu, japh, leryam12, karyah1001, rafael.espina, nikkabomb, iluvmycielo, indayharagwapa, ted7, queenjventurer, hillaryaa, smaeunabs, namranna, juecoree, glennamayjumaoas, francesgardose, maedian, ligarayk, ybanezscarlet, josephace135, luijii, gixxer0mike, janesmy081316, kimp0gi, shelouveloso, markaparre, lenilyndelacruz, dyann-ayy, aueeventures, ronygen13, thisisruby, rasty.demecillo, eudiee, queenriogoals, icy-anne, imesmypadasas, chellelbaguio, rhei86, nanreycarlopez, themanualbot, itinerantph, codygee237, jcpuzs1, agentzero, shaineloo, jaderpogi, tedzwhistle, sorenkierkegaard, ja9garnett, thinkvincent, loydjayme25, invictuz, jonmylestan, melsmacan, jamiz, noreen, aodhan, rfece143, micch, pizzanniza, cyyy1998, davids-tales, imkareencajes, jenesa, dopinthezone, carpieeew, christianyocte, starzy, mcamayra, dwaeji-aizelle, mercy11, xsasj, purpletanzanite, cordeta, honeyletsgo, georgie84, sawi, krvin, reyarobo, adeline24, johnrel, chuuuckie, indayclara, robin-ho, jepu, an0na, wens, gameon, shoganaii, jbeguna04, mindblast, bellatravelph, maanabdullah, upvoteph, aribalcristian, squares, twotripleow, ybanezkim26, legendarryll, wandergirl, brokemancode, jayparagat, tagalogtrail, smafey, tpkidkai, xorexman, ortorres1123, racheleecious, baa.steemit, marysent, marygod, itsmedavid, themarshann, fabio2614, myaw, juichi, jazzhero, minnowlife, sunnylife, upmewhale, ellechim0816, abchro, lokoo, fabernaz, nakarvaev, jennybeans, reginecruz, steemgigger, surpassinggoogle, ranielbrianulan, keshawn, nessyquel, wagun001, stbrians, wanderingdanish, bobiecayao, antigenx, dwightjaden, itchyfeetdonica, solomonsojay, arcange, raphaelle, steemit-bot, tolarnee, maylynhime, eurogee, peaceandwar, mallowfitt, akoaypilipina, fherdz, minnowsupport,