SALAMAT
hive-188409·@mrnightmare89·
0.000 HBDSALAMAT
 Pinilit kung gumising kahit hindi ko nais matanaw ang katotohan. Pinilit kung bumangon kahit masalimo-ot ang kahapon. Pinilit kung itayo ang dalawa kong paa kahit mga luha'y walang tigil sa pagpatak sa lupa. Hindi man ako makapaniwala, sadyang ito ang ngayon at kahit isang misteryo ang hinaharap. Pinili kong lumaban dahil ginusto kong mabuhay sa mundong ibabaw. Hindi ko man alam kung anong naghihintay dahil sa kasalukoyan puro tanong ang nasa aking isipan. Minsan malupit talaga ang buhay dito sa mundo. Akala mo, masasaya lang ang iyong mararanasan at ang lungkot baka pwede ng kalimutan. Ngunit hindi ganyan, ayaw mo man, wala kang magagawa sapagkat ito ay kasama na sa paglilok ng tadhana. Umiyak, tumawa, umiyak, tumawa at kahit paulit-ulit man ganyan nagiging maganda ang buhay. Katulad ng bagyong humagupit sa rehiyon ng aming probinsya. Magpapasko pa naman, akala ko'y puro ngiti lang ang aking matatanaw. Ngunit ito'y kabaliktaran, dinaig pa ang patak ng ulan sa patak ng luha ng mga taong nawalan ng tahanan. Dinaig pa ang ungol ng asong nakatingala sa buwan sa mgs taong umiiyak kung paano harapin ang panibagong buhay na mag-uumpisa sa wala. Isa ako sa mga taong yun, hindi ko man namalayan ako'y nakapagsulat na nagmamakaawa para matulongan ang aking kalagayan. Nagawa ko kahit kinain ko ang pagkatao sa hiya dahil hindi ko alam ang gagawin pagkatapos masulyapan ang aming munting tahan na ngayon ay isang matamis na lang na ala-ala. Oo, masira man, liparin man o wala man akong makikitang tahanan, hindi tatangayin ng hangin ang mga kahapong binuo kasama ng mga pamilya. Kaso nga lang, ang hirap tirahan kung walang tigil ang pagpatak na malakas na ulan. Kaya, desperado kong nasulat na humingi ng tulong at baka naman maibsan kahit kunti ang aking kalungkotan habang tanaw ang hindi ko matanaw na aming tahanan. Hindi ko mapigilang magluksa, magmakaawa at hindi makapaniwala. Napakalupit naman kasi, magpapasko na tapos ito ang matatanggap kong regalo. Siguro yong iba akala nilang isang drama lang isang novela. Isang pamamaraan ng isang kawatan pero pinili kong isarado ang mata at takpan ang mga taenga sa pwedeng esagot nila. Pinili kong hindi pakinggan dahil ang importante ako ay matulongan sa kasalukoyang kahirapan. Nagdaan ang mga araw na iniinda ang pait at lungkot ng katotohan. Kasabay sa pagtayo ko tinayo ang mga bakal at kahoy na minsan ng tinumba ng bagyo. Pinulot ko ang pirapiraso kong puso sa pagpulot ng mga importanteng bagay na iniwan ng bagyo. Hindi ko man alam pano mag-umpisa, alam kong ang buhay ay kailangan magpatuloy pa. Nakalimutan ko man kong paano magpasalamat, naalala ko na dapat matuwa nalang dahil walang buhay ang nawala. Alam kong medyo huli na pero nais ko pa ring magpasalamat. Sa @hiveph community or mismong mga Pilipino at sa personal na bulsa ni @romeskie at sa mga taong andyan na hindi ko masabi lahat. Kahit papano'y nakapag-abot ako ng tulong para makabili ng materyales sa pagbuo muli ng bahay naming giniba ng bagyo. Alam kong hindi sapat ang pasasalamat sa mga taong nagbibigay pag-asa at pagparamdam na andyan sila sa oras ng kalungkotan. Ako'y taos pusong nagpapasalamat sa inyo kahit alam kong ako'y isang stranghero. Panibagong taon ito at kaya uumpisahan ko ang taong ito ng PASASALAMAT. Hindi man madaling limutin ang nangyari na pwede naman itong tabonan ng panibagong pag-asa. Kasabay nito ang paghahangad na sana'y maging mabuti na, hindi lang sa amin at sa lahat ng taong nasalanta ng bagyo. Salamat sa pagbasa *All content is my own unless otherwise noted If images are being recycled, I just found it fit in my article.* # ABOUT ME <div class="pull-left"> <a href="https://files.peakd.com/file/peakd-hive/mrnightmare89/242Y5Uy9KbfMQJqzgF56WWDsL3RNAo1AkiKqe1XKgdayuz7oRPfDDfJj8ex5K6i7qrKst.png"><img src="https://files.peakd.com/file/peakd-hive/jamerussell/242Y3vukLo2F62RyhmFcK4fBVvQQCVEfypVzPibiP8xkD92u7o9YdWiQjSqYs3jPmsf5f.png"></a> </div> <sub>[Paul](https://peakd.com/@mrnightmare89) is the name but prefers to be called mrnightmare that feels like living in the dream. A country boy and a dreamboy (dreamer) who likes to stay in a small village even though it means abandoning the future to become a seaman. The passion is writing but not sailing in the vast ocean. Don't wonder if the face will not be shown, this is better where the words can flow smoothly. Come, you can tell me your stories and I'll tell you mine. Together, let's explore the world by broadening our thoughts. If you need a shoulder I can lean you mine and I hope I can lean yours. The world is fun when living is not being alone but with someone. </sub> [discord](mrnightmare89#2161) [twitter](mrnightmare89) [instagram](mr.nightmare89)
👍 tpkidkai, bearone, sonu, hiveph, johndoer123, mrnightmare.net, bloghound, shikika, appleskie, markjason, maverickinvictus, junebride, straykat, jazzhero, steemph.uae, bella.bear, mami.sheh7, jonalyn2020, kneelyrac, judyannegamis, paulajogalix, mrnightmare89, sbi2, tomiscurious, fatman, steemitbloggers, roleerob, godlovermel25, gohenry, jaynie, itsmiessyonpeakd, macoolette, deadsparrow, kellyane, michellpiala, alesia89, allmonitors, amayphin, romeskie, jude.villarta, chuch, trincowski, saltiberra, vipservice, canna-collective, drew0, aagabriel, tryskele, rentaw03, juanvegetarian, melria06, waivio.welcome, waivio.com,