Laban Lang!
untalented·@nickjon·
0.000 HBDLaban Lang!
<center> Laban Lang</center> <center>Ang sarap ng buhay pag lagi kang masaya Lalo na pag kasama mo ang mga taong mahal ka Pero pano na kung may isa o dalawa ang hihila sayo pababa? Kakayanin ba? Kung sa bawat oras Sa bawat pagpikit ng iyong mga mata Ay nag dadalawang isip ka Kung itatama ba o tama na? Pero natatakot ka Dahil sa tingin mo hindi mo kaya Baka sakaling kung magkamali ka, mas lalala pa Kaya paano ba? Paano ba maging matatag sa likod ng mga luha? Kung sa bawat salita nila ay napakasakit na Paano ba labanan ang mga pangungutya nila? Kung sa tingin mo ikay nanghihina na. Pero nagising ka sa katotohanan na kaya mo pala Na kaya mong ipamukha sa kanila na mali sila Na kaya mong itama lahat ng pagkakamali nila Na kaya mong punasan ang bawat luha na aagos sa iyong mga mata At tapusin na ang mga pangungutya na sinimulan nila. At napa-isip ka Na bawat likha ng ating Ama Ay maganda Na wala kang dapat ikakatakot at ikakahiya. Dahil ang pagiging ikaw sa ibang mata Ay hindi problema Kundi ang pagiging magpakatoo mismo sa harapan nila. Your Steem Buddy, @nickjon photo is mine captured with vivo y66 with 16 mega pixels camera</center>