Isang Maulang Umaga!

View this thread on: d.buzz | hive.blog | peakd.com | ecency.com
·@superdad·
0.000 HBD
Isang Maulang Umaga!
Magandang umaga po sa ating lahat. Medyo masarap matulog at kumain nalang ng buong araw dahil sa lamig ng panahon. Pero pagkakataon ko rin na maka byahe ng tricycle ngayon dahil walang dakipan sa aming lugar tuwing tag ulan hehe. 

Nag paalam ako sa aking asawa na mag ba byahe ako kahit saglit upang may pambili lamang ng ulam at bigas sa susunod na araw. Ito na pagkakataon ko na makatulong sa aking asawa sa gastusin sa loob ng bahay. Sana madaming pasahero at sana madami din ang hindi kuripot. 

Nahinto ang aming paggawa ng aming bahay dahil sa ulan at marahil ang aming ginawang butas para sa banyo ay may tubig na gayun din ang mga ginawa naming mga butas para sa poste.

Maraming salamat po sa inyong oras magandag umaga po muli.

![](https://steemitimages.com/DQmP76hNwtJP1piPKk7cZFQ6sdeHr1qD1RZnmMfSFpTK46r/image.png)
photo credit to:pixabay
👍 , , , , , , , , , , , , , , , , , ,